Balik-bansa na si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang tatlong araw na state visit sa Japan.
Sa kanyang pagdating sa Davao City International Airport, kagabi, ipinagmalaki ni Pangulong Duterte ang “defining moment” sa ugnayan ng Pilipinas at Japan.
Ayon sa Pangulo, kabilang sa mga naging mahalagang pinagkasunduan nila ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe ang “freedom of navigation and overflight.”
Mananatili anyang pangunahing trading partner ng Pilipinas ang Japan na indikasyong tunay itong kaibigan ng ating bansa.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
To visit Malaysia
Nakatakda ring bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa Malaysia.
Ito ang inihayag ni Pangulong Duterte sa kanyang pagbabalik bansa mula sa Japan, kagabi.
Ayon sa Pangulo, mahalagang makausap niya si Malaysian Prime Minister Najib Razak dahil lalo’t may mahalagang papel ang Malaysia sa peace talks ng Pilipinas at mga rebeldeng Moro.
Kabilang anya sa mga posibleng talakayin sa kanyang pagbisita sa Malaysia ay ang issue ng piracy sa Malacca Strait.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By Drew Nacino