Balik-bansa na si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang kanyang matagumpay na state visit sa Brunei Darussalam at China.
Bitbit ng Pangulo sa kanyang pag-uwi ang 24 na bilyong pisong investment at loan pledges.
Ayon sa Pangulo ang kanyang state visit sa Brunei at China ay nakatuon sa aspetong pang-ekonomiya at pagtutulungan.
Sa kanyang biyahe sa Brunei, ipinagmalaki ng Pangulo ang pina-igting na kooperasyon ng naturang bansa sa Pilipinas sa usapin ng kalakalan at pamumuhunan.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
Sa China naman, 13 kasunduan ang nalagdaan ng Pangulong Duterte at pamahalaan ng Beijing.
Nabuhay din aniya ang pagkakaibigan ng Pilipinas at China na nagbukas ng malalim na commitment para palakasin ang kalakalan at pamumuhunan sa pagitan ng dalawang bansa.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By Ralph Obina