Tahasang inihayag ng CPP o Communist Party of the Philippines na nabigo si Pangulong Rodrigo Duterte na tuparin ang kanyang mga pangakong pagbabago sa bansa sa kanyang unang taong panunungkulan.
Pinuna rin ng CPP ang diskarteng strongman ni Duterte, marahas na drug war at pagiging sunud-sunuran nito sa Amerika.
Binatikos din ng CPP ang kabiguan umano ni Duterte na ipatupad ang seryosong reporma sa polisiya sa “social, economic and political fields,” sa kabila ng pag-giit ng pangulo na isa siyang socialist at sympathizer ng makakaliwang grupo.
Bukod dito, tinuligsa din ng CPP ang pagpayag ng pamahalaan na makialam ang Amerika sa laban kontra Maute Group sa Marawi City.
By Meann Tanbio
Pangulo bigo sa mga pangakong pagbabago—CPP was last modified: July 1st, 2017 by DWIZ 882