Binuweltahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang Simbahang Katolika at iba pang kritiko nito na kontra sa pagbabalik ng parusang bitay.
Sa kaniyang talumpati sa harap ng mga barangay officials sa Davao City kahapon, tinawag na ipokrito ng Pangulo ang kanyang mga religious critics na inihalintulad pa niya sa Amerika.
Muling sinabi ng Pangulo, bagama’t naniniwala siya sa Diyos ngunit hindi siya naniniwala sa relihiyon na aniya’y lantarang nanloloko aniya sa mga mananampalataya.
Pera-pera lamang aniya ang labanan sa relihiyon sabay banat na tanging ang simbahan lamang aniya ang yumayaman mula sa paghihirap ng mga tao.
By Jaymark Dagala