Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang burol ng dalawang sundalong nasawi sa bakbakan sa Marawi City kagabi.
Dakong alas-11:20 kagabi nang dumating si Pangulong Duterte mula sa Davao City at agad na dumiretso sa burol nina Captain Rommel Sandoval at Private First Class Sherwin Canapi sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.
Napatay si Sandoval, ang Commanding Officer ng 118th Scout Ranger Company at Canapi noong Setyembre 10 habang sinasagip ang mga sugatan nilang kabaro sa nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi City.
Una nang dumalo sa send-off ceremony sa labi ni Sandoval si Pangulong Duterte sa Cagayan de Oro City bago ito nagtungo sa ika-apat na pagkakataon sa Marawi City noong Lunes.
—-