Biyaheng Middle East ngayong araw si Pangulong Rodrigo Duterte.
Nakatakdang umalis ang Pangulo mamayang hapon para sa isang linggong pagbisita sa Saudi Arabia, Bahrain at Qatar kung saan mahigit isang milyong Filipino ang nagtatrabaho.
Ito’y upang pagtibayin ang ugnayan ng Pilipinas sa mga Gulf State at isulong ang kapakanan ng mga Overseas Filipino Worker sa Gitnang Silangan.
Makakaharap ni Pangulong Duterte si King Salman Bin Abdulaziz Al Saud sa Riyadh, Saudi Arabia kung saan mananatili ang Punong Ehekutibo simula April 10 hanggang 12.
Matapos nito ay magtutungo ang Pangulo sa Manama, Bahrain sa April 12 hanggang 14 upang makaharap naman si King Hamad Bin Isa Al Khalifa.
Bibisita rin si Duterte sa Doha, Qatar sa April 14 hanggang 16 upang makipagkita kay Emir Sheikh Tamim Bin Hamad Al-Thani.
By Drew Nacino