Bukas si Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng joint oil exploration ang Pilipinas at Tsina sa South China Sea.
Ayon kay Pangulong Duterte, binuksan niya ang issue nang makausap niya si Chinese President Xi Jinping sa Beijing, China noong Oktubre.
Ito rin anya ang dahilan kaya’t posibleng isantabi niya ang ruling ng International Arbitrary Court hinggil sa maritime dispute ng Pilipinas at China.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
China
Welcome sa Tsina ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na isasantabi nito ang arbitral ruling ng International Court sa issue ng maritime dispute sa South China Sea.
Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesperson, Hua Chunying, naniniwala silang angkop sa interes ng China at Pilipinas ang desisyon ni Pangulong Duterte na hudyat ng patuloy na paglalim ng ugnayan at relasyon ng dalawang bansa.
Simula anya nang bumisita si Duterte sa Beijing ay nakamit ng dalawang bansa ang patuloy na pag-unlad, bilateral mutual trust at makatotohanang ugnayan sa iba’t ibang larangan.
Inihayag ni Hua na handa ang Tsina na ipagpatuloy ang pakikipagtulungan sa Pilipinas at ayusin ang maritime issues upang makamit ang isang layunin ng dalawang bansa.
By Drew Nacino