Hindi mangingimi ang Pangulong Rodrigo Duterte na ipabitay ang pulis na nakipagrelasyon sa isang miyembro ng Abu Sayyaf.
Binigyang diin ng Pangulo na traydor sa bansa si Superintendent Maria Christina Nobleza kayat dapat lang itong bitayin sa pamamagitan ng public hanging.
Matatandaan na si Nobleza ay nahuli sa Bohol habang kasama si Renierto Dongon, bomb maker ng Abu Sayyaf.
Nahaharap ngayon sa kasong obstruction of justice, illegal possession of firearms at disobedience to persons in authority si Nobleza.
By Len Aguirre
Pulis na nakipag-relasyon sa bandido ipinabibitay ng Pangulo was last modified: June 5th, 2017 by DWIZ 882