Iginiit ng Pangulong Rodrigo Duterte na natural at hindi na niya kaya pang baguhin ang paraan ng kanyang pananalita.
Ito ay kasunod ng mungkahi ni dating Senate President Juan Ponce Enrile na maging mahinahon at huwag gamitan ng init ng ulo ang pakikipag-usap sa China kaugnay sa usapin sa pinag-aagawang teritoryo, ang West Philippine Sea (WPS).
Hindi kailangan ng mainit na ulo sa bagay na iyon. Sapagkat malaki ang ugnayan sa usapan na iyan sa ekonomiya ng Pilipinas kundi seguridad din ng ating bansa ng ating mga kababayan at lalong-lalo na ng ating lupain… Dapat balance lang ang approach mahinahon,” payo ni Enrile.
Samantala, aminado naman ang Pangulo na kung minsan ay matalim talaga siyang magsalita.
Yes Sir, I would like to explain to the nation that sometimes I must admit that I am harsh with my words that is my nature and I cannot change it,”wika ng Pangulong Duterte.