Duda si Pangulong Rodrigo Duterte kung kakayanin ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang pagsugpo sa iligal na droga kahit pa itinalaga niya ito bilang pangunahing ahensyang tututok sa war on drugs.
Sa kanyang pagharap sa grupo ng mga Overseas Filipino Worker o OFW sa bagong lunsad na Anti-Trafficking OFW Movement sa Sofitel Philippine Plaza, Pasay, kinuwestyon ni Pangulong Duterte ang kakayahan ng 2,000 kawani ng PDEA.
Magugunitang inamin ni PDEA Director-General Aaron Aquino na nais niyang makausap si Pangulong Duterte upang magpasaklolo dahil mahihirapan silang harapin ang malaking hamon sa issue ng iligal na droga.
—-