Idinipensa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpili niya kay Supreme Court Associate Justice Teresita Leonardo de Castro bilang bagong Punong Mahistrado.
Sa pagdalo ni Pangulong Duterte sa selebrasyon ng National Heroes’ Day sa Libingan ng mga Bayani, sinabi nito na nakabatay sa seniority o naunang pumasok sa Korte Suprema ang kanyang ginawang pagpili kay De Castro.
Iginiit din ng Pangulo na hindi niya personal na kilala ang tatlong senior associate justice ng Korte Suprema na kabilang sa shortlist ng Judicial and Bar Council o JBC sa pagka-punong mahistrado.
Maliban kay De Castro matatandaang napabilang din sa shortlist sina Associate Justices Lucas Bersamin at Diosdado Peralta.
—-