Ginagamit ngayon bilang floating hospital ang brp ang pangulo ng Philippine Navy para sa mga residenteng naapektuhan ng bagyong Odette sa Siargao.
Nagbibigay ng libreng serbisyo ang mga medical teams mula sa Philippine Navy at Armed Forces of the Philippines sa Eastern Mindanao Command.
Nabigyan agad ng atensyong medikal ang mga residente na binayo ng nasabing bagyo.
Bukod dito, napauwi na rin ang ilang mga pasyenteng tinamaan ng diarrhea dahil sa kawalan ng malinis na tubig sa Siargao.