Taliwas sa inaasahan, nasa good mood kahapon si Pangulong Rodrigo Duterte nang pulungin ang mga ipinatawag na gobernador sa Malacañang.
Sa naturang pulong, nanawagan ng tulong ang Pangulo mula sa mga gobernador para magtagumpay ang kampanya kontra iligal na droga.
Ipinakita rin ni Pangulong Duterte sa mga gobernador ang narco-list kung saan 40 percent sa mga sangkot at protektor ng illegal drugs operation ay mga barangay captain.
Binanggit ng Punong Ehekutibo na mayroon ding ilang alkalde na nasa narco-list kaya’t mahalaga ang tulong ng mga ipinatawag na opisyal kaya’t mahalagang kumilos ang mga gobernador upang malutas ang problema.
Pinaalalahanan din ng Pangulo ang mga governor na iwasang pumasok sa illegal drug trade dahil papatayin niya ang mga ito at kapag napatunayang protektor ay hahabulin naman ang mga ito.
“There were moments of humor”
Mas relax ang mga gobernador sa pagharap kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang kumpara sa naging pulong sa mga alkalde noong isang linggo.
Ayon kay Cavite Governor Jesus Crispin “Boying” Remulla, isang mahinahon na Pangulo ang humarap sa kanila kahapon upang manawagan ng suporta sa kampanya kontra illegal drugs, katiwalian, terorismo at panatilihin ang peace and order.
Gayunman, hindi anya naiwasan ni Pangulong Duterte na mag-sermon dahil sa pagkakasangkot ng ilang local official sa illegal drugs trade.
Bahagi ng pahayag ni Cavite Governor Boying Remulla
By Drew Nacino | Report From: Aileen Taliping (Patrol 23) | Ratsada Balita (Interview)