Handang tumulong si Pangulong Rodrigo Duterte upang mabunyag ang sexual abuses ng mga pari sa Pilipinas sa gitna ng mga alegasyon ng cover-up ng Simbahang Katolika sa naturang kaso partikular sa Estados Unidos.
Sa kanyang talumpati sa 49th Charter Day Celebration sa Mandaue City, Cebu, inihayag ni Pangulong Duterte na bubuksan niya ang issue lalo’t may mga biktima ng sexual at child abuses ang ilang pari at alagad ng simbahan sa Pilipinas.
Ayon sa Punong Ehekutibo, hindi naman maikakailang mayroong mga pang-aabusong ginawa ang mga pari lalo’t mayorya ng mga Filipino ay Katoliko kahit noon pang panahon ng mga Espanyol.
“Even the Pope is at the center of the turmoil.”
“Everybody is trying to seek an opening para abrehan gyud tanan, and I’d be glad to do it in the Philippines. Buksan mo lahat, kasi may biktima rin.” Pahayag ng Pangulong Duterte
Isa na aniyang halimbawa nito ay ang naranasan niya at ng kanyang mga ka-klase sa Ateneo de Davao.
—-