Ibinunyag ng Pangulong Rodrigo Duterte na nag-alok siyang magbitiw na lamang sa puwesto dahil sa kabiguan niyang supilin ang katiwalian sa bansa.
Ayon sa Pangulo, ginawa niya ito sa command conference kung saan sinabi niya sa apat na pinakamataaas na opisyal ng militar na tumindig kung pabor silang magbitiw siya sa puwesto.
Sinabi ng Pangulo na walang tumayo sa mga opisyal ng militar na isang palatandaan na dapat niyang ituloy ang paglilinis sa pamahalaan.
Inihayag ng Pangulo ang plano niyang paglikha ng Bureau of Supply na magmomonitor sa procurement ng pamahalaan upang maiwasan ang katiwalian.
Kahalintulad aniya ito ng isang tanggapan sa ilalim ng general services ng Philippine Constabulary noong Marcos administration na pinamunuan dati ni dating Pangulong Fidel Ramos.
—-