Nananatiling kontrolado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kampanya ng pamahalaan kontra sa iligal na droga.
Ito ang inihayag ng Malacañang kasabay ng obserbasyon ng ilang grupo na out of control na ang mga pulis sa anti-drug operation kaya marami ang napapatay at maging mga medor de edad ay nadadamay.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, mali ang pagbasa ng ilang grupo sa sitwasyon dahil patuloy na inaalala ni Pangulong Duterte ang maayos na pangangasiwa sa usapin at in full control pa rin ito.
Ipinalulutang lang aniya ito ng mga grupong nais palakihin at palalain ang sitwasyon lalo na ang pagkamatay ng 17-anyos na si Kian Delos Santos.
Matatandaang una nang sinabi ni Pangulong Duterte na kanyang hihintayin ang resulta ng imbestigasyon ng NBI at titiyaking pananagutin ang may sala sa insidente.
By Krista de Dios | (Ulat ni Aileen Taliping)