Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na pinayagan nya ang wiretapping sa dalawang alkalde na di umano’y kabilang sa narcopoliticians.
Matatandaan sinabi ng pangulo na kabilang sina Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog at iba pang pulitiko sa mindanao ang nag po – pondo at protektor ng maute group.
Ayon sa Pangulo, sya ang nagbigay ng otorisasyon upang ma- wiretap sina Iloilo Mayor Jed Mabilog at Ozamiz City Mayor Parojinog.
Hindi naman binanggit ng Pangulo kung sino ang gumawa ng wire – tapping sa dalawang alkalde at hindi rin nilinaw kung may pahintulot ito ng korte.
Alinsunod sa Republic Act Number 4200 o anti – wiretapping law mahigpit na ipinagbabawal ang hindi otorisadong pakikinig o sikretong pakikinig sa usapan sa telepono at iba pang device dahil paglabag ito sa constitutional rights to privacy of communications.
Agad naman idinipensa ng Malacañang ang Pangulo, ayon kay Presidential spokesperson Ernesto Abella, hindi naman gagawa ng pagkilos ang Pangulo na labag sa batas.
SMW: RPE