Nakatakdang makipagkita sa Pangulong Rodrigo Duterte mamayang hapon ang pamilya ng Special Action Force (SAF) 44 o SAF commanders na napatay sa operasyon sa Mamasapano, Maguindanao noong January 25, 2015.
Makikipag-diyalogo si Duterte sa pamilya ng SAF 44 para alamin ang kalagayan ng mga ito, dalawang taon matapos ang nasabing insidente.
Nais mabatid ng Pangulo kung naibigay ang mga ipinangakong tulong at benepisyo sa mga naulilang pamilya.
Magugunitang inihayag ng Pangulo na may ilang katanungan siyang nais masagot hinggil sa usapin partikular ang aspeto ng naging operasyon at kung bakit walang dumating na reinforcement para tulungan ang mga napatay na elite force.
By Judith Larino | Report from: Aileen Taliping (Patrol 23)