Halos malamog na ang Simbahang Katolika sa kaliwa’t kanang mura at batikos ni Pangulong Rodrigo Duterte bunsod pa rin ng patuloy na batikos ng mga obispo sa anti-illegal drugs campaign ng gobyerno.
Sa kanyang pakikipag-dayalogo sa mga naiwang pamilya ng SAF 44 na nasawi sa 2015 Mamasapano incident, muling inungkat ni Pangulong Duterte ang mga katiwaliang kinasasangkutan ng mga obispo.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
Hinamon pa ni Pangulong Digong ang publiko lalo ang mga Katoliko na basahin ang aklat na “altar of secrets” ng yumaong journalist na si Aries Rufo.
Nilalaman ng libro ang mga kontrobersyang kinasasangkutan ng Simbahang Katolika mula sa katiwalian, pulitika hanggang sa mga imoralidad umano ng ilang obispo at pari gaya ni retired Bishop Teodoro Bacani.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
Sa oras anya na mabasa ng publiko ang aklat at mapatunayang mali ang kanyang mga akusasyon laban sa Simbahang Katolika ay handa siyang magbitiw sa puwesto.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By Drew Nacino