Malabo pang matigil ang paghahasik ng kaguluhan ng mga teroristang grupo sa pangunguna ng Islamic State sa iba’t ibang panig ng mundo kabilang ang Pilipinas.
Ito ang babala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagharap sa mga sundalo’t pulis sa Camp Tecson sa San Miguel, Bulacan.
Ayon kay Pangulong Duterte, dapat maghanda ang mga tropa ng gobyerno sa posibleng pagganti ng mga terror group sa hinaharap dahil kahit saan at anong oras ay maaaring umatake ang mga terorista.
“Itong terrorism, inspired ng ISIS will not go in about seven to ten years, there will be violence everywhere, sa Amerika, Europe lahat tinamaan, tayo most profoundly sa siege sa Marawi, they will not disappear, they will regroup anywhere and everywhere, ang sabi ko lang and I’m warning you the soldiers of the republic, what if they strike in five places at the same time? Zamboanga, maybe Basilan, Isabela, yan ang pumapasok sa opisina ko eh and one major city.” Pahayag ni Duterte
Sa huling tala ng Armed Forces of the Philippines o AFP, umaabot na sa 160 mga sundalo at pulis ang nasasawi sa nagpapatuloy na labanan sa Marawi na ayon sa kanila ay nasa huling yugto na.
—-