Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-angkat ng 250,000 metriko toneladang bigas sa gitna ng ulat na paubos na ang buffer stock ng National Food Authority o NFA.
Ayon kay Secretary to the Cabinet at NFA Council Chairman Leoncio Evasco, Miyerkules ng gabi nang ipag-utos ng Pangulo ang pag-import ng bigas na magsisilbing standby rice.
Aniya, iba pa ang naturang mga bigas sa tatlong daan at dalawampu’t limang libong (325,000) toneladang bigas na paparating na sa bansa ngayong buwan.
Kumpiyansa naman si Presidential Spokesperson Harry Roque na sa oras na dumating ito ay bababa ang presyo ng commercial rice.
—-