Pinagkalooban ng tulong pinansyal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga asawa ng limang (5) nasawing sundalo sa nangyaring kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu.
Ito’y ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana makaraang ipatawag sila ng Pangulo kasama sina Labor Secretary Silvestre Bello III at National Housing Manager Jun Escalada upang makausap ang mga asawa ng limang naturang sundalo.
Binigyan aniya ng Pangulo ng tig-kalahating milyong piso ang mga ito na galing sa pondo sa Presidential Special Financial Assistance Fund.
Bukod dito ay nagpaabot din ng pinansyal na tulong ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pamilya ng mga biyuda.
—-