Humingi na ng saklolo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso upang ganap nang mapagtagumpayan ang kampanya nito laban sa iligal na droga.
Sa ginawang Legislative-Executive Development Advisory Council o LEDAC, napagkasunduan na magsusumite ang ehekutibo ng listahan ng mga priority bills nito bago mag Disyembre 5.
Ayon naman kay Presidential Legislative Liason Office Secretary Adelino Sitoy, ipinakita ng Pangulo sa nasabing pulong ang lawak ng problema ng bansa hinggil sa iligal na droga sa pamamagitan ng pagbibigay ng kopya ng narco-list sa mga mambabatas.
Magugunitang kabilang sa mga isinusulong ng administrasyon na maipasa bilang batas sa kasalukuyang Kongreso ay ang pagbabalik ng parusang bitay para sa mga nasasangkot sa krimen, korapsyon at iligal na droga.
By Jaymark Dagala