Nagtalaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng dalawang opisyal ng Office of the President (OP).
Ayon kay Presidential Communications Office sec. Cheloy Garafil, sina Antonio Paolo Serrano Lim at Peter Anthony Joseph Felarca Felix ang iniluklok ni Pangulong Marcos, bilang bagong Assistant Secretary ng Office of the Senior Deputy Executive Secretary na nasa pamamahala ng OP.
Itinalaga naman si Manuel Lahoz Argel Jr., bilang acting member ng Social Security Commission, na kumakatawan sa employers group.
Maliban sa tatlo, in-appoint din ni PBBM si Lolibeth Ramit-Medrano bilang Commissioner ng Philippine Competition Commission.
Sa ngayon, nanumpa na sa kani-kanilang mga tungkulin ang mga bagong talagang opisyal. —ulat mula kay Gilbert Perdez (Patrol 13)