Natakdang dumalaw si Pangulong Rodrigo Duterte sa burol ni Joanna Demafelis, ang Filipina overseas worker na pinatay at natagpuang sa loob ng freezer sa Kuwait.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, posibleng bumiyahe ang Pangulo patungong Iloilo anumang araw ngayong linggo.
Kasabay nito, tiniyak ni Roque ang pagpapaabot ng tulong pinansiyal sa pamilya ni Demafelis at posibleng madagdagan pa ito sa pagbisita ng Pangulo.
Una nang dumating noong nakaraang linggo ang bangkay ni Demafelis at inaasahang ibuburol ito sa loob ng dalawang linggo bago ilibing sa Marso 3.
Samantala, tukoy na ng Interpol o International Criminal Police Organization ang itsura ng mag-asawang amo ni Demafelis.
Ayon sa Interpol, isang Lebanese at Syrian national ang mga amo ni Joanna na ngayon ay naka-‘red notice’ na sa maraming bansa.
Ngunit batay anila sa pinakahuling balita ay nakalabas na ng Kuwait ang mag- asawang suspek.
Kaugnay nito, tiniyak ng OWWA na nakikipagtulungan na rin ang embahada ng Pilipinas sa Kuwait para sa agarang pagtugis sa mga amo ni Demafelis.
—-