Aalisin na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Martial Law sa Mindanao kapag ganap nang natapos na ang gulo sa Marawi City.
Ito ang inihayag ni Pangulong Duterte sa kanyang ika-limang pagbisita sa nasabing lungsod.
Ayon sa Pangulo, oras na matiyak ng militar na malinis at ligtas na ang buong Marawi City mula sa mga terorista ay kanya nang tatanggalin ang Martial Law sa Mindanao.
Gayundin ang pagtiyak na walang spill over ng kaguluhan sa mga kalapit na lugar Mindanao.
Sinabi pa ng Pangulo na hindi magkakaroon ng selebrasyon oras na matapos na ang krisis sa Marawi City at tanging isang thanksgiving mass lang ang gagawin.
—-