Nasa Cambodia na si Pangulong Rodrigo Duterte para sa dalawang araw na state visit.
Mag-aala-syete kagabi, oras sa Pilipinas nang dumating ang eroplanong sinakyan ng Pangulo sa kabisera na Phnom Penh.
Una sa kanyang schedule ay ang pakikipag-kita sa mahigit 1,000 miyembro ng Filipino community.
Makakaharap din ni Pangulong Duterte ang hari ng Cambodia na si Norodom Sihamoni at si Prime Minister Hun Sen, mamaya.
Anti-drug campaign
Muling binuksan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang arrival speech sa Cambodia ang issue ng kampanya kontra iligal na droga sa Pilipinas.
Ipinagtanggol din ni Pangulong Duterte ang mga pulis sa pangunguna ni PNP-CIDG Region 8 Head, Supt. Marvin Marcos na pumatay sa umano’y druglord na si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa.
Ayon kay Duterte, hindi na dapat kuwestyunin ang pag-reassign niya kay Marcos sa CIDG-Region 8 dahil bahagi ng kapangyarihan ng Pangulo na magtalaga at magtanggal ng mga opisyal ng PNP at AFP bilang commander in chief.
By Drew Nacino | Aileen Taliping (Patrol 23)