Ipina-cite for contempt ni Senador Grace Poe ang Pangulo ng Aegis Juris Fraternity na si Arvin Balag.
Ito ay matapos ilang beses na tumanggi si Balag sa tanong ni Poe kung siya ba ay miyembro ng nasabing fraternity, sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs.
Bukod sa pagiging miyembro, tumanggi din si Balag na sagutin ang tanong ni Poe kung siya ba ang Pangulo ng Aegis Juris Fraternity gayung kitang-kita naman ayon sa senadora ang pagiging miyembro ng fraternity dahil sa pagdalo nito sa pagdinig ng senado.
Nagpalabas pa si Poe ng ilang dokumento kung saan makikita ang listahan ng mga miyembro ng Aegis Juris at nakapirma pa si Balag bilang Presidente na mahigpit pa ring itinatanggi nito.
Dahil dito, ipina-cite for contempt ni Poe si Balag at pinapa-aresto na ito ni Committee Chairman Panfilo Lacson matapos ang pagdinig.