Magpupulong sa kauna-unahang pagkakataon sa nakalipas na 66 na taon ang mga pangulo ng China at Taiwan.
Sa statement na ipinalabas ng tanggapan ni Taiwanese Counterpart Ma Ying-Jeoun, layunin ng pulong na mapanatili ang kapayapaan at status quo sa Taiwan Strait.
Makikipagpalitan umano ng kuro-kuro si Ma kay Chinese President Xi Jinping kung paano pananatilihin ang status quo sa Taiwan Strait.
Tiniyak ng dalawang kampo na walang kasunduang lalagdaan ang dalawang lider at wala rin silang ipalalabas na statement hinggil sa kanilang pulong.
Mula pa noong 1949 ay inaangkin na ng China ang Taiwan at ang anumang pagkilos upang tuluyang magdeklara ng independence ay binabantaan nila ng puwersang militar.
By Len Aguirre