Photo Credit: AP
Nangako si French Republic President Emmanuel Macron na muling itatayo ang Notre Dame Cathedral.
Sa ngayon ay ‘under control’ na ang apoy sa sikat na simbahan at naisalba ang dalawang tower sa main facade nito.
Ayon kay Macron, bukas ay maglulunsad ng national subscription upang mangalap ng pondo para sa muling pagbangon ng katedral.
Nagsimula ang sunog pasado alas-11:00 kagabi kung saan hinihinalang nagmula ang sunog sa bahagi ng simbahan na sumasailalim sa rehabilitasyon.
Agad namang nagpatupad ang Paris City Hall ng evacuation sa cathedral.
Matatandaang kasalukuyang sumasailalim sa renovation ang itaas na bahagi ng cathedral sa halagang anim na milyong euro.
—-