Ini–akyat na sa Quezon City Prosecutors Office ang kaso laban sa presidente ng Pinagkaisahang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide o PISTON na si George San Mateo kaugnay sa ikinasa ng kanilang grupo na tigil – pasada.
Ang kaso ay nag – ugat sa reklamo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB dahil sa perwisyong idinulot ng transport strike ng PISTON sa mga mananakay noong nakaraang buwan.
Giit ng LTFRB, ang naturang pagkilos ay malinaw na paglabag sa public service law.
Paliwanag ng LTFRB, mayroong kaakibat na pananagutan sa publiko ang prangkisang ipinagkaloob ng pamahalaan sa jeepney drivers at operators.
Matatandaang isa na namang malawakang tigil – pasada ang ikinakasa ng PISTON sa Disyembre 4 at 5.