Isang special investigation task group ang binuo ng Philippine National Police o PNP para tumutok sa pagpatay sa pangulo ng Philippine Association of States Universities and Colleges o PASUC.
Si Dr. Ricardo Enriquez Roturas na Pangulo rin ng University of Science and Technology of Southern Philippines ay nagtamo ng walong tama ng bala matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakilalang suspek sa bakuran mismo ng kanilang bahay sa Golden Glow North Village sa Upper Carmen, Cagayan de Oro City.
Ayon kay City Police Director Senior Superintendent Robert Roy Bahian na makikipag-ugnayan ang special investigation task group sa pamilya ng biktima lalo’t una na ring inihayag ng mga ito na may alam sila sa nasa likod ng nasabing krimen.
—-