Bababa na sa pwesto ngayong Hulyo a-13 ang Pangulo ng Sri Lanka na si Gotabaya Rajapaksa matapos bigong tugunan ang nararanasang krisis sa bansa.
Kasunod ito ng ilang buwang rally ng mga Anti-Government na nananawagang magbitiw na si Rajapaksa dahil sa hindi masolusyunang hirap ng mamamayan.
Ayon kay Parliamentary Speaker Mahinda Abeywardana, itinakda sa Miyerkules ang pagbaba ng Pangulo upang matiyak na magiging mapayapa ang transition nito.
Maliban kay Rajapaksa, tinipon ni Prime Minister Ranil Wickremesinghe ang iba pang political leaders at sinabing handa rin silang bumaba sa pwesto upang bigyang-daan ang pagkakaisa sa Sri Lanka.
Una nang napilitang umalis sa kaniyang official residence ang Sri Lankan President matapos itong lusubin ng mga nagpo-protesta.