Muling nagdeklara ng state of emergency ang pangulo ng Sri Lanka na si Gotabaya Rajapaksa.
Ito ay dahil sa patuloy na nagaganap na kilos protesta bunsod ng krisis na kinakaharap ng kanilang bansa kung saan naapektuhan na ang mga paaralan, negosyo at transportasyon.
Matatandaan na mula pa noong Marso nang sumiklab ang kilos protesta ng mga mamamayan dahil sa maling pamamalakad ng kanilang gobyerno.
Nabatid rin na isinailalim noong Abril a-uno ang bansa sa state of emergency.