Idineklara na ng pangulo ng Sri Lanka ang Nationwide Public Emergency dahil sa nagaganap na karahasan sa nasabing bansa.
Dahil sa kautusan, bibigyang-kapangyarihan ang mga otoridad na arestuhin ang sinumang magiging banta sa gobyerno, kahit na wala itong warrant of arrest.
Ayon kay Sri Lanka President Gotabaya Rajapaksa, para ang kautusan sa kapakanan at katahimikan ng mga mamamayan.
Nabatid na nakakaranas ngayon ng economic crisis ang Sri Lanka na mayroong 22 milyong populasyon.
Dahil sa economic crisis, ilang protesta ang isinagawa ng mga residente. —sa panulat ni Abby Malanday