Hindi intensiyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na dungisan ang integridad ng Commission on Appointments nang ihayag na kumilos ang lobby money kaya hindi nakalusot sa kumpirmasyon si dating DENR Secretary Gina Lopez.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na nais lamang bigyang-diin ng Pangulo na mayroong sariling interes ang ilan sa appointment ng mga opisyal.
Naniniwala ang palasyo na ilang miyembro ng C.A. ay bumoto batay sa kanilang prinsipyo at konsensiya, patunay dito ang ilang mambabatas na nagpaliwanag sa kanilang boto.
Sinabi ni Abella na iginagalang ng Pangulo ang Independence ng commission on Appointments, patunay dito ang hindi nito pakikialam sa confirmation process ni Lopez.
Nauna rito inihayag ni Pangulong Duterte ang panghihinayang sa hindi paglusot ng appointment ni Lopez at sinabing hindi niya kontrolado ang lahat dahil mayroong check and balance sa gobyerno.
By: Aileen Taliping