Personal na nakipagpulong si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga magsasakang mula sa Tagum, Davao del Norte kahapon.
Noon pang Mayo 1 nagsimula ang kilos protesta ng mga magsasaka sa Mendiola upang ireklamo ang pananakot ng mga private armies at pagkamkam sa kanilang mga lupang sakahan.
Sinabi naman ng Pangulo na sisiguruhin nyang muling makuha ng mga magsasaka ang mga lupain na dati nang ini-award sa kanila.
Kasunod nito, nangako ang Pangulo na bibigyan ang mga magsasaka ng masaganang hapunan sa isang hotel at sasakay ng eroplano pauwi ng Davao.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte