Plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na makipag-usap kay Moro National Liberation Front (MNLF) Founder Nur Misuari matapos ang plebisito para sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law (BOL) na nakatakda sa Lunes, Enero 21 at Pebrero 6.
Sinabi ito ng Pangulo sa kanyang talumpati sa Cotabato City kung saan kanyang hiniling sa mga residente na suportahan ang ratipikasyon ng panukalang Organic Law.
Ayon sa Pangulo, nais niyang i-alok ang pagkakaibigan at kapayapaan kay Misuari at umaasa siyang may mabubuong kasunduan na di lamang para sa kapakanan ng MNLF kundi ng lahat ng mga Moro sa Mindanao.
Matatandaang Agosto nang nakaraang taon nang magkita ang Pangulo at si Misuari sa Davao City, isang buwan bago maisabatas ang BOL.
—-