Pupulungin na bukas sa Malacañang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga gobernador upang talakayin ang peace and order situation sa bansa.
Kinumpirma ni Albay Governor Al Francis Bichara, Pangulo ng League of Governors of the Philippines na pangunahin pa ring issue ang giyera kontra droga ng gobyerno.
Ayon kay Bichara, isang karangalan para sa kanilang mga gobernador na imbitahan ni Pangulong Duterte sa pulong kahit sermunan sila nito o hindi.
Maaari anyang nais lamang marinig ng Pangulo mula sa mga gobernador ang ilang development sa kani-kanilang lalawigan partikular ang pagsuporta sa kampanya kontra iligal na droga.
Umaasa naman si Bichara na dadalo ang lahat ng kapwa gobernador sa ipinatawag na pulong ng Punong Ehekutibo sa Palasyo.
By Drew Nacino
Photo Credit: Presidential Photographers Division