Seryoso si Pangulong Rodrigo Duterte sa kampanya nito kontra iligal na droga.
Ito, ayon kay Tanauan Mayor Anthony Halili, ang naging sentro ng pulong sa kanila ng Pangulong Duterte kung saan ipinatawag ang ilang mga alkalde sa Malacañang kahapon.
Ang pulong ay kasunod ng naging pahayag ni Duterte na lahat ng mga mayor na kabilang sa narco-list ay kanyang papatayin.
Sa kabila nito, sinabi ni Halili na sinumang alkalde ang mapapasama sa narco-list, dapat ay i-validate ito ng maigi.
Bahagi ng pahayag ni Tanauan Mayor Anthony Halili
Shame campaign
Pansamantalang itinigil ni Tanauan City Mayor Anthony Halili ang shame campaign laban sa mga nasasangkot sa iligal na droga.
Sa panayam ng programang “Ratsada Balita”, sinabi ni Halili na pansamantala niya itong sinuspinde ay dahil iniintriga siya na ginagamit niya ito sa pansariling interes.
Ipinabatid ni Halili na i-tinurn over niya na sa PNP Anti-Crime Group ang paglulunsad ng shame campaign.
Bahagi ng pahayag ni Tanauan Mayor Anthony Halili
By Meann Tanbio | Ratsada Balita