Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Korte Suprema na repasuhin muli ang mga inilabas nitong TRO o temporary restraining order sa mga proyekto ng gobyerno.
Sa kanyang ikalawang SONA o State of the Nation Address kahapon, sinabi ng Pangulo na malaking hadlang sa pagpapatupad ng mga proyekto ang TRO lalo’t tanging ang mga may sariling interes o hindi napagbigyan ang tutol dito.
Giit ng Pangulo, kadalasan aniyang nagiging sanhi ng mas matinding katiwalian sa pamahalaan kapag hinaharang ang mga proyekto na dapat napakikinabangan na ng taumbayan.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
Kasunod nito, umapela pa ang Pangulo sa High Tribunal na tanggalin na ang inilabas na TRO sa pagpapatupad ng RH o Reproductive Health Law.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte