Pinayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang wiretapping sa dalawang alkalde na di umano’y kabilang sa mga narco-politicians.
Ang pag-amin ng Pangulo ay kasabay ng kanyang pagbubunyag na kabilang ang nasawing si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog Sr. at iba pa sa mga pulitiko sa Mindanao na nag-pondo at protektor ng Maute group.
Ayon sa Pangulo, siya ang nagbigay ng go signal para ma-wiretap sina Iloilo Mayor Jed Mabilog at Mayor Parojinog.
Hindi naman binaggit ng Pangulo kung sino ang inutusan na gumawa nito at hindi rin nilinaw kung may pahintulot ito ng korte.
Alinsunod sa Republic Act Number 4200 o Anti-Wiretapping Law, mahigpit na ipinagbabawal ang hindi awtorisado o sikretong pakikinig sa usapan sa telepono at iba pang device dahil paglabag ito sa constitutional rights to privacy of communications.
Agad naman idinipensa ng Malacañang ang Pangulo, ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, hindi naman gagawa ng pagkilos ang Pangulo na labag sa batas.
—-