Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na malabo nang maabot ng Pilipinas ang pagiging rice self-sufficient sa taong 2020
Taliwas ito sa naging pangako ni Agriculture Secretary Manny Piñol, na tinawag ng Pangulo na kuwento o yabang lang.
“And if you’d ask me, in the next how many years, we will just have to import rice. I do not believe that we can be rice-sufficient.”
‘”Yung sinabi ni Piñol na at the years end, storya man lang ‘yon.” Ani Pangulong Duterte
Una rito, inaprubahan ng Pangulo ang pag-aangkat ng dalawandaan at limampung libong (250,000) metriko toneladang bigas ng Pilipinas mula sa mga bansang Thailand at Vietnam.
Paliwanag ng Pangulo, kinailangan niyang ayusin ang trabaho ng ilan niyang miyembro ng gabinete dahil sa pagpapaligsahan ng mga ito.
“We had a bit of a trouble here. I had to cut some powers of Cabinet members for just being too short-sighted or jumping into each other’s territory, turf war.” Pahayg ni Pangulong Duterte
—-