Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa MNLF o Moro National Liberation Front, MILF o Moro Islamic Liberation Front at NPA o New People’s Army na makiisa sa kampanya ng gobyerno laban sa Maute Group.
Kasunod ito ng ipinadalang liham ni MNLF Founding Chairman Nur Misuari na handa ang kanilang grupo na magpadala ng mga tauhan upang tumulong sa ginagawang operasyon laban sa Maute.
Ayon sa Pangulo, handa niyang bigyan ng parehong pribilehiyo tulad sa mga pulis at sundalo ang sinumang miyembro ng naturang mga grupo na magnanais na tumulong sa gobyerno gaya ng sweldo, benepisyo at maging pabahay.
Sinabi pa ng Pangulo na malaki ang maitutulong ng mga ito dahil kabisado ng nasabing mga grupo ang terrain sa Mindanao.
By Rianne Briones
Pangulo umapela ng suporta sa MNLF, MILF at NPA vs. Maute was last modified: May 29th, 2017 by DWIZ 882