Wala nang plano ang Pangulong Rodrigo Duterte na magpalaya ng political prisoners.
Binigyang diin ito ng Pangulong Rodrigo duterte sa kabila ng pagbabalik ng peace talks ng pamahalaan at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa Abril.
Gayunman, sinabi ng Pangulo na tuloy pa rin naman ang planong pagpapalaya sa mga New People’s Army (NPA) na matatanda na at may sakit na.
Matatandaan na ilang political prisoners na kinabibilangan ng mag-asawang Wilma at Benito Tiamzon ang pinalaya ng Pangulo upang makalahok sa peace talks subalit ipinag-utos ang pagpapaaresto sa mga ito matapos niyang suspendihin ang usapang pangkapayapaan.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By Len Aguirre