Agad nakipag-pulong si Pangulong Rodrigo Duterte kay Indian Prime Minister Narendra Modi sa Hyderabad guest house pagdating pa lamang ng New Delhi, India.
Kabilang sa tinalakay ng dalawang leader sa bilateral meeting ang economic ties ng Pilipinas at India.
Sinaksihan din nina Pangulong Duterte at Modi ang Ceremonial Exchange of Memorandum of Understanding sa pagitan ng Pilipinas at India na pinangunahan ni Trade Secretary Ramon Lopez para sa Board of Investments ng Republic of the Philippines at Secretery Preeti Saran ng Indian Ministry of External Affairs.
Kahapon ay sumalang naman ang Pangulo sa mga aktibidad kaugnay ng India-Asean Summit kasama ang siyam na iba pang mga leader ng ASEAN.