Inatasan na ni Pangulong Benigno Aquino III ang mga concerned agencies na ihanda ang mga lokal na komunidad na maaapektuhan ng bagyong Nona.
Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Junior na inihahanda na ang mga komunidad sa posibleng paglikas kung matatayang malalagay aniya sa panganib ang kanilang kalagayan.
Kabilang sa mga inatasan ni Pangulong Aquino ang Department of Social Welfare and Development at iba pang ahensya para ipwesto na ang mga resources at relief goods nito sa mga lugar na tutukuyin ng PAGASA.
Inirekomenda ng Philippine National Police o PNP ang paglikha ng isang police special action unit sa autonomous region in Muslim Mindanao o ARMM.
Ginawa ni PNP-Chief Director General Ricardo Marquez ang rekomendasyon nang bumisita ito sa Camp Salipada Pendatun na matatagpuan naman sa Maguindanao na itinuturing ng COMELEC bilang “areas of immediate concern” kasama ang Lanao del Sur.
Ayon kay Marquez, ang Police Special Action unit ang hahawak sa mga karahasang may kinalaman sa eleksyon.
Lalo’t umiinit na aniya ang alitan ng mga pulitiko sa lugar na may mga private armed groups, gayundin ang pagtaas ng bilang ng mga naitatalang loose firearms.
Ang ARMM kasi ayon kay Marquez ang may pinakamaraming naitatalang private armed groups sa buong bansa.
By: Allan Francisco