Nag-staycation lamang sa Metro Manila si Pangulong Benigno Aquino III nitong Semana Santa.
Ito ang inihayag ng Palasyo makaraang tanungin kung paano inobserba ng presidente ang panahon ng pangilin.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, hindi lumabas ng Metro Manila ang presidente at sa halip ay nakipag-bonding ito sa kanyang pamilya.
Nagpunta rin ang pangulo sa dalawang burol ng kanyang personal na kakilala at ngayong linggo ay dadalo sa isang may kaarawan na hindi na binanggit kung sino.
Habang nasa Metro Manila ay nagmonitor ang pangulo sa mga kaganapan sa bansa pati na rin sa sitwasyon sa libya kung saan maraming mga Pilipino ang nagtatrabaho sa nabanggit na bansa.
By: Aileen Taliping (Patrol 23)