Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya hihingi ng paumanhin o kapatawaran sa pagtawag niyang estupido ang Diyos at maanghang na pahayag laban sa Simbahang Katolika.
Sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag sa 25th National Convention ng Vice Mayors League of the Philippines sa Panglao, Bohol, inihayag ng Pangulo na malabong mag-sorry siya sa kanyang mga batikos sa Kristyanismo.
“No, I will not do that definitely. Not in the million years.”
“You know, God is personal. It is not formed by textbooks. You nurture God as your faith based on the values that you get from life, early on from your parents,” he said. “That is how you conceived God to be.” Pahayag ni Pangulong Duterte
Ayon kay Pangulong Duterte, mas nanaisin na lamang niyang manahimik.
“You know if there is a page in the Bible which I read almost everyday, it’s the Ecclesiastes 3: “For every season there is always a time under the sun. There’s a time to be calm, there’s a time to be silent, there’s a time to be poignant, a time to be subdued, and a time to be vicious. Ganoon talaga ang buhay.”
“There would be a time to speak and I will maybe in the coming days. And for now, I will just keep my silence for I want to see how the nation reacts.” Dagdag ng Pangulong Duterte
Itinanggi rin ng Punong Ehekutibo na inililihis lamang niya ang usapin hinggil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin dahil sa TRAIN Law.
—-