Hindi nakadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa aktibidad sa Rizal Park para pangunahan ang selebrasyon ng ika-119 na Araw ng Kalayaan kaninang umaga.
Sa halip ay si Vice President Leni Robredo ang nanguna sa pag-aalay ng bulaklak at flag ceremonies kasama sina Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at AFP Chief of Staff General Eduardo Año.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, may importanteng bagay na aasikasuhin ang Pangulo sa isyu sa Mindanao kaya hindi ito nakadalo.
Sinabi naman ni Cayetano na hindi maganda ang pakiramdam ng Pangulo, bagaman wala naman aniya dapat ikabahala sa kalusugan nito.
Ito sana ang unang pagkakataon na pangungunahan at pagdalo ni Pangulong Duterte sa pagdiriwang ng Indepence Day bilang presidente.
Samantala, naganap rin ang ilang aktibidad sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas kabilang na ang pagtataas ng watawat sa Bonifacio Shrine sa Caloocan City at Aguinaldo Shrine sa Kawit Cavite.
Nakatakda ring magbigay ng pagkilala ang Malacañang ngayong alas-12 impunto ng tanghali sa mga sundalong nagbuwis ng buhay at mga inosenteng napatay sa Marawi City bilang bahagi ng paggunita ng Kalayaan ng Pilipinas.
By Krista de Dios | with report from Gilbert Perdez
Pangulo di nakadalo sa Independence Day celebration was last modified: June 12th, 2017 by DWIZ 882